Richard & Maricar

SAYANG at wala si Maricar Reyes sa finale presscon ng Sana Bukas Pa Ang Kahapon, hindi tuloy namin siya natanong sa request ng asawa niyang si Richard Poon na huling serye na niya itong SBPAK dahil gusto na nitong magkaanak sila.

Oo nga naman, medyo late nang mag-asawa sina Richard at Maricar kaya tama lang na planuhin na nila ang pagkakaroon ng tsikiting.

“Oo, sana next year, kasi matatapos ang SBPAK sa October 10, di ba? So, sana... sana next year,” sabi sa amin ng crooner.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Hindi naman totally hinahadlangan ni Richard ang pag-aartista ni Maricar dahil alam niyang gusto ito ng asawa, “I think our marriage although not perfect, it has always been, we’ve always agreed that it has to be mutually agreed, na one to two years.

“Before I married her, I said, I’m talking two couples as friend, ‘okay ba sa ‘yo na huwag munang mag-baby, so I can focus on you?’ So we agreed on that, way back pa. So we’re only married one year and two months.”

Maganda ang ipinakitang performance ni Maricar sa Sana Bukas Pa Ang Kahapon bilang si Shasha na pangalawang asawa ni Patrick (Paulo Avelino) na hindi alam na buhay pala ang unang asawa na si Rose (Bea Alonzo) na nagpapanggap naman bilang si Emmanuel.

Paano kung may follow-up project si Maricar?

“Ah, siguro kung mabigat ‘yung taping, baka huwag muna. Pero ‘yung movies, may bago siyang movie ngayon, eh, mga 2-3 days lang (ang shooting), okay na, it’s an indie movie. So ‘pag movies, okay sa kanya kasi sulput-sulpot lang. I’m having a hard time seeing her go home at four in the morning and I’ll leave at seven AM. She’s losing weight because of puyat,” nag-aalalang kuwento ni Richard.

“Minsan kung pareho kayong nasa showbiz, good and bad. They understand the schedule and demands of the work. Sa amin so far, I see it more as positive. Naiintindihan ko kung puyat siya or sunud-sunod ‘yung tapings niya.”

Ang panalangin ni Richard sa magiging panganay nila ni Maricar: “Sana boy, kasi mas gusto kong boy ang nag-aalaga sa mas batang lalaki kaysa babae ang nag-aalaga sa batang lalaki.”

Gustuhin man daw nina Richard at Maricar na magpahinga at magbakasyon pagkatapos ng October 10 ay hindi nila magagawa.

“As much as gusto ko, mukhang hindi kaya kasi when she ends up October 10, ASAP L.A. kami, so pagbalik, ang daming shows kapag ‘ber’ months for my music. Usually heavy kapag ‘ber’ months, so maybe January we’re going to Taiwan to visit my mom, my mom wants to see her (Maricar) na,” say ni Richard.

Ano ang masasabi niya sa acting ni Maricar sa Sana Bukas Pa Ang Kahapon?

“Alam mo, sa totoo lang, lagi kong sinasabi sa kanya na she’s a natural, saka masipag siyang manood ng movies para mag-aral ng acting. ‘Yung mga nuisances lang na hindi halata, puwedeng subtle. Kaya bilib na bilib ako sa kanya. At ako ang opposite sa kanya kasi hindi ako marunong umarte, kinakabahan ako sa kamera, nati-tense ako, so she’s a natural,” pahayag ng proud hubby ng aktres.

Ano ang reaction niya sa bashers ni Maricar na naipon sa pagkokontrabida nito sa pagmamahalan nina Patrick at Rose/Emmanuel sa SBPAK?

“Bashers, wala pa naman akong nababasa, pero kung mayroon man, ang attitude ko, eh, you just avoid it or block it. Hindi naman ako masyadong mapagpatol. Maski siya, hindi rin siya mapagpatol, hahaba lang ‘yun ‘pag pinatulan mo,” katwiran ni Mr. Crooner.

Plano nila ni Maricar magtayo ng business.

“Gusto niya, she’s been telling me na, ‘I wanna help you start something’, kasi ‘kinukuwento niya ‘yung sa family niya rati na siya ‘yung tumutulong sa tatay niya to do the books. Ganu’n siya ka-supportive talaga, I love her for being supportive. So sabi niya, besides starting a family, gusto rin niya to help something na alam niyang kailangan ng oras.”

May bagong album si Richard na may titulong Crooner Sings Bacharach mula sa Universal Records.

“Well my album is my bosses idea, alam mo naman ako, obedient boy ako. They showed me figures that they released an album years ago na Bacharach album Without A Face that sold 50,000 copies, so they said, if we can put your face on it, jazz, baka all the more it will appeal to the AD market.

“Kami ang namili ng songs, sabi ko nga, if I have my way, minsan bias ka kasi ang mga pinipili mong songs, ‘yung hindi kilala ng masa. So all the songs here kilala ng masa, like Arthur’s Theme, The Look Of Love, mga jazz song, may pop din like Walk On By, Close To You, I Say A Little Prayer, You’ll Never Get To Heaven (If You Break My Heart), What The World Needs Now is Love, etc.”