_DSC9067.NEF

LOS ANGELES (AP) – Hindi naitaboy ng pananakot ng Annabelle ang Gone Girl sa takilya.

Tinalo ng Fox thriller na pinagbibidahan ni Ben Affleck ang possessed-doll horror film ng Warner Bros. sa kinitang $38 million, ayon sa studio estimates nitong Linggo.

Sa mga unang araw ng pagpapalabas ay humilera ang dalawang pelikula sa kare-release lang na The Maze Runner at The Equalizer para mahigitan ang karaniwan nang $30 million na kinikita ng mga pelikula tuwing ganitong low-earning season.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Ang Gone Girl ay batay sa best-selling novel ni Gillian Flynn at idinirehe ng The Social Network at The Curious Case of Benjamin Button filmmaker na si David Fincher. May karagdagang $24.6 million na kinita ang pelikula sa ibang bansa.

Gayunman, maliit lang ang lamang ng Gone Girl sa Annabelle, na kumita naman ng $37.2 million. Bida sa pelikula sina Ward Horton at Annabelle Wallis bilang mga bagong magulang na nag-uwi sa nakakikilabot na porcelain doll na si Annabelle, na unang napanood sa patok na horror movie na The Conjuring. Base sa tunay na buhay ang kuwento ng Annabelle.

Pumangatlo naman ang The Equalizer, na nanguna sa takilya noong nakaraang linggo, at sa ikalawang weekend ay kumita ng $19 million, kaya nasa $64.5 million ang kabuuang kinita nito sa North America. Tampok sa The Equalizer ang muling pagtatambal ng Oscar-winner na si Denzel Washington at ng direktor niya sa Training Day (2001) na si Antoine Fuqua.

Kinumpleto ng The Maze Runner ($12 million) at The Boxtrolls ang top five sa kinitang $12.4 million ngayong weekend.