SEOUL (AFP) – Ang nakagugulat na pagbisita sa South Korea ng pinakamalalapit na aide ni North Korean leader Kim Jong-Un ay nagbukas ng isang high-level communication sa dalawang bansa, ayon sa mga analyst.
Hindi pa batid kung pangmatagalan o magbubunsod ng mga positibong ugnayan ang binuksang komunikasyon, ngunit ang pagbisita noong Sabado ng tatlong pinakamatataas na opisyal ng North ay nagbigay-daan sa oportunidad na hindi inaasahan.
Ang delegasyon ay pinangunahan ni Hwang Pyong-So, bagong halal na vice chairman ng National Defense Commission at sinasabing kanang kamay ni Kim Jong-Un, kasama sina Choe Ryong-Hae at Kim Yang-Gon.