Ipinasa ng Kamara sa pangalawang pagbasa ang panukalang batas na ilagay ang blood type ng bawat Pilipino sa identification cards (IDs) na inisyu ng pamahalaan.

Sinabi ni Rep. Eufranio “Franny” C. Eriguel, M.D. (2nd District, La Union), chairman ng House Committee on Health, na saklaw ng IDs ang birth certificates, identification cards na inisyu ng Social Security System (SSS), Government Service Insurance System (GSIS), Land Transportation Office (LTO) at ng Philippine National Police (PNP), passport na inisyu ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Professional Identification Card ng Professional Regulation Commission (PRC).

Sinabi naman ni Rep. Susan Yap (2nd District, Tarlac) na ang House Bill 5018 na pinag-isa ang House Bills 403, 1057 at 3607, ay naglalayong mapabilis ang medical treatment sa mga pasyente, kabilang ang blood transfusion sa oras ng pangangailangan.

Batay sa panukala, lahat ng Pilipino ay obligadong kumuha ng sertipiko mula sa isang pathologist na nagpapatunay sa kanilang blood type.
National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists