Sa bagong salinlahi, ang “martial law” (ML) ay agad-agad nakakabit sa konsepto ng diktadura. Dahil sa naging kasaysayan natin noong dekada 70, hindi maiwasan na mabahiran ng masamang imahe ang sana ay isang sandata ng demokrasya, estado, at ng Konstitusyon upang maipagtanggol nito ang sarili sa pamamagitan ng ML. Tuloy, tanging ang ambisyon at pananatili sa kapangyarihan ang sumasaging layunin ng pagkakaroon nito. Mali! Kung ang 1935 na Saligang Batas ang pagbabatayan, malinaw ang mga basehan upang magdeklara ng ML: invasion, insurrection, rebellion, or imminent danger thereof.

Kung babalik tanawin ang klima ng kaguluhan sa ating lipunan noon, hindi maaring pasinungalingan na mayroong namumukadkad na insurrection at rebellion sa bansa. Matayog ang kilusan ng CPP-NPA (25,000 lampas) na sinusuportahan ng armas at pondo ng Komunistang Tsina hal. maguginita ang insidente ng MV Karagatan, na isang barko na nahulihang dumadaong ng maraming armas mula Tsina para itulong sa NPA; ang Plaza Miranda Bombing na layuning ma-masaker lahat ng kandidato para senador ng Liberal Party gamit ay 2 granada na hinagis ayon sa plano ng CPP-NPA para palabasing ang Palasyo ang may pakana; ang sapilitang pagpasok ng mga estudyanteng kinasangkapan ng mga “pulang kaisipan” gamit ang trak ng bumbero, panununog ng mga pampaseherong bus, at mga pribadong kotse.

Ang mga nabanggit ay ilan sa pamamaraan upang makapaghasik ng kaguluhan at bilang mitsa sa pag-aaklas tungo sa rebolusyon. Tumpak ang deklrarasyon ng ML upang masalba ang estado at hindi mabuwal ang ating demokrasya. Ang naging kalabisan lang ay nang kinasangkapan ang ML, upang mapalawig ang pananatili ng Pamahalaang Marcos sa kapangyarihan, lalo noong ipikandado na nito ang institusyon ng Kongreso at Senado. Dito na humimpil ang demokrasya at nagposturang diktadura. Bilang pagbabalik tanaw sa nagdaang Setyembre 21, araw ng ML, nakakalungkot na muling na-hijack ng mga militante, kaliwa, komunista ang kwento ng ML. Ibinabatingaw nila na sila ang naging bayani. Ipinaparada pa ang mga pangalan ng mga namatay at mga nahuli. Hoy, kung kayo ang nagwagi, mas masahol pa na diktadura ang itatayo ninyo sa Pilipinas bilang Komunistang Estado! Ayaw ng Pilipino sa diktadura. Yun nah!
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente