May isang hindi malilimutang performance sa nakaraang FIBA World Cup, kaalinsabay sa pagpasok ng tatlong bagong koponan at promising rookies, nakatakdang magbukas ang ika-40 taon ng Philippine Basketball Association (PBA) sa pamamagitan ng magarbong pagdiriwang sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan sa Oktubre 19.

Bubuuin ito ng 10 buwan na season calendar na uumpisahan sa pamamagitan ng isang kapana-panabik na double header na magtatampok sa mga expansion teams na Kia Motors kontra sa Blackwater Sports at tapatan ng crowd favorite Barangay Ginebra at Talk ‘N Text.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Una rito, pormal na magsisimula ang season sa pamamagitan ng pagdaraos ng Chairman’s Ball na gaganapin sa Oktubre 14 sa Resorts World Manila kung saan ay magtitipun-tipon ang PBA officials, players at kanilang mga pamilya.

Kasabay nito ay ang premier showing ng isang PBA documentary na may titulong “A Nation Passion.”

Ito ang inihayag nina PBA board chairman Patrick Gregorio at commissioner Chito Salud sa unang araw ng kanilang planning session na ginaganap sa Novotel Ambassador Gangnam Hotel sa Korea.

“It’s an exciting season,” ani Gregorio na siyang namuno sa summit na dinaluhan din nina vice chairman Robert Non ng San Miguel Beer, San Mig Coffee representatvie Rene Pardo, Alfrancis Chua ng Ginebra, Al Panlilio at Ryan Gregorio ng Meralco, Erick Arejola ng Globalport, Dickie Bachmann ng Alaska, Manny Alvarez ng Barako Bull, Mert Mondragon ng Rain or Shine, Ramon Fernandez ng NLEX, Gina Domingo ng Kia at Dioceldo Sy, Silliman Sy at Wilbert Loa ng Blackwater

Sa kanilang pagbabalik sa Manila, magkakaroon naman ng pormal na paglulunsad ng ika-40 taon ng liga na magaganap sa Oktubre 7 sa Shangri-La Edsa Hotel.

Kabilang din sa kalendaryo ang magarbong pagdiriwang sa Abril 8, 2015 kung saan ay pararangalan ng liga ang mapipiling 40 greatest players.

Mananatili naman ang 3-conference format na sisimulan sa Philippine Cup at susundan ng dalawang import laced conferences.

Ngunit sa pagkakataong ito ay magkakaroon ng handiccaping system sa mga import sa Commissioner’s at Governor’s Cup.

Ang top 8 teams matapos ang elimination round sa Philippines Cup ay papahintulutang kumuha ng imports na may heigh limit na 6-foot-9 habang ang nasa ilalim na apat na teams ay bibigyan ng pagkakataon na makakuha ng mga import na may unlimited height.