Matapos mabigo sa kanyang unang pagtatangka na makasungkit ng world title, may suwerteng naghihintay pa rin kay world rated Rocky Fuentes dahil nagpakita ng interes si World Boxing Council (WBC) at Ring Magazine flyweight champion Roman Gonzalez na kalabanin siya sa Nobyembre 22 sa Yokohama, Kanagawa, Japan.

“Nothing has been discussed formally yet,” sabi ni ALA Promotions president Michael Aldeguer sa Philboxing.com. “The matchmaker did (contact us). We are open to it, but we still have to agree on some details, then we discuss it formally but we hope to make the fight happen.”

Natamo ni Fuentes ang kanyang title shot noong nakaraang Enero 22 subalit hindi niya napatulog si Thai ex-convict Amnat Ruenroeng kaya nagwagi ito sa puntos sa kanilang laban para sa bakanteng IBF flyweight title bout sa Nakhon Ratchasima, Thailand.

Ito naman ang unang pagtaya ng titulo ni Gonzalez makaraang masungkit ang WBC crown nito lamang Setyembre 6 sa Tokyo kontra sa isa sa pinakamahusay na boxer ng Japan na si Akira Yaegashi.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Pinabagsak ni Gonzalez ng dalawang beses si Yaegashi bago tuluyang pinasuko sa 9th round ng kanilang world title fight sa Tokyo.

Ang 27-anyos na si Gonzalez ang pinakatatakutan sa lower weight class dahil sa kanyang perpektong rekord na 40 panalo, 34 sa pamamagitan ng knockouts. Nauna niyang dinominahan ang strawweight at light flyweight divisions bago umakyat sa 112 pounds.

“I mean it’s really going to be an uphill climb for Rocky as Gonzalez is one of the best in the world,” dagdag ni Aldeguer.

May kartada namang 35-7-2 (win-loss-draw) na may 20 pagwawagi sa knockouts si Fuentes na mula nang pumasok sa ALA stable ay natamo ang matagal na hinawakan na OPBF flyweight titles.