Ayaw nang patulan ni eight-division world titlist Manny Pacquiao ang pang-iinsulto sa kanya ni pound-for-pound king Floyd Mayweather Jr. sa social media kaya nagpasaring na naaawa siya sa Amerikano at ipagdadasal na magbago na ito.

Unang tinuligsa ni Pacquiao si Mayweather hinggil sa pahayag ng WBC at WBA welterweight champion sa Nevada State Athletic Commission na maraming eksena sa “All Access” TV reality series at drowing lamang para lumikha ng kontrobersiya ang programa.

“Floyd Mayweather’s testimony to the commission on All Access’ authenticity tells me everything I need to know about his desire to fight me,” sinabi ni Pacquiao sa social networks.

Gumanti naman si Mayweather nang mag-post ng mga nakahihiyang litrato ni Pacquiao nang patulugin noong 2012 ni Mexican Juan Manuel Marquez noong 2012 sabay sabing desperado si Pacquiao na labanan siya dahil walang pera ang Pilipino.

National

Tinatayang 300,000 Pilipino, nakinabang sa 'Walang Gutom' program ng DSWD

“My new boxing DVD is coming soon and is called ‘3 Ways to Sleep.’ Back, Face and Butt and I’m Falling & I Can’t Get Up. Miss Pac Man is broke and desperate for a pay day. Your Pay-Per-View numbers are a joke,” ganti ni Mayweather sa kanyang Twitter account.

Nang tanungin ng GMA news, ganito ang naging reaksiyon ni Pacquiao: “I’m not angry at him, I still feel sorry for him, because he acts like an uneducated person. It’s pitiful to me, and I’m praying for him.” “I’m not affected by [by his attacks]. I pity him and I pray that someday he would change his ways. He should fear God. For what is a man profited if he shall gain the whole world and lose his own soul?” dagdag ni Pacquiao.