Ang focus sa problema sa trapiko sa Metro Manila kamakailan ay nasa pagkalugi ng mga negosyo kung saan naantala ang mga kargamento sa loob ng maraming linggo sa mga daungan sa Manila. Marami ring manggagawa sa Metro Manila ang nagagahol sa pagpasok sa trabaho.

May isa pang problema kung bakit kailangang maresolba agad ang problema sa trapiko – ang polusyon na ibinubuga sa hangin ng daan-daang sasakyan sa hangin, na pinalalala pa ng pagsisikip ng pagdaloy ng mga ito. Anumang oras, ang polusyon ay parang lambong ng maitim na usok sa kabuuan ng Metro Manila kapag tinanaw ito mula sa mataas na bahagi ng Antipolo, Rizal.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Nanawagan si Secretary Ramon Paje ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa agarang implementasyon ng pinaigting na fuel standards at ang pagtatanggal ng mga lumang sasakyan sa mga lansangan. Malaking bahagi ng air pollution sa Metro Manila ay mula sa mga motor vehicle – 70 hanggang 80 porsiyento; at 20 hanggang 30 porsiyento ay bunga ng mga usok mula sa mga pabrika at iba pa.

Ang sulfure na naroon sa mga pollutant ay maaaring makapagdulot ng sakit sa puso, baga, at maaari ring magdulot ng cancer. Taglay ng maruming hangin ang maliliit na bagay tulad ng alikabok at usok. Noong 2010, nag-isyu ang DENR ng isang administrative order na nagre-require sa mga passenger at light-duty vehicle na tuparin ang Euro 4 emissions ((50 parts per million in fuel) pagsapit ng Enero 1, 2016. Sinusunod na natin ngayon ang Euro 2 standard na 5,000 ppm. Nagpanukala ngayon ang DENR na ang deadline ay gawing mas maaga nang anim na buwan sa Hunyo 2015.

Ang paglilinis ng hangin sa Metro Manila ay mangangailangan ng maigting na pagsisikap mula sa lahat ng ahensiya ng gobyerno, partikular na ang Department of Energy (DOE) at ang Department of Transportation and Communications (DOTC). Hiniling ni Secretary Paje sa DOTC na alisin ang 15 anyos na mga sasakyan upang mabawasan ang dami ng behikulo sa Metro Manila. Nagbubuga ng maraming usok ang mga lumang sasakyan.

Habang nagsisikap ang Metro Manila na resolbahin ang problema sa trapiko na kaakibat ang problema ng air pollution, nakalulugod na malaman na kumikilos ang Cebu upang resolbahin ang sarili nitong suliranin sa trapiko na may ayudang $116 milyong loan mula sa World Bank, $25 milyon mula sa Clean Technology Fund, at may counterpart na $87.5 milyon mula sa gobyerno. Magtatayo ang Cebu ng isang Bus Rapid Transit System na paglilingkuran ang mahigit 300,000 pasahero araw-araw, habang nababawasan ang air pollution.

Iniulat ng World Health Organization na pumatay ang air pollution ng mahigit pitong milyon katao sa buong mundo noong 2012, kung kaya ito ang pinakamalaking environmental health risk ng daigdig. Ang hangin sa mga lungsod sa Pilipinas ay hindi naman kasing polluted tulad ng sa India at China. Ngunit tayo maghihintay na abutin ang kanilang level ng polusyon. Kailangan na nating kumilos ngayon.