Binabalak ngayon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na lagyan ng pansamantalang o temporary flyover ang C.P. Garcia upang maibsan ang matinding trapik sa Katipunan Avenue sa Quezon City.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, tinalakay na ang nasabing plano kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Rogelio Singson

Ipinaliwanag ni Tolentino na ang temporary flyover na binabalak ilagay sa C.P. Garcia ay ginamit na rin noon ng halos limang taon sa San Fernando, Pampanga. Nanggaling sa ibang bansa ang flyover na unang ikinabit sa isang fastfood chain sa Pampanga at ngayo’y nasa pangangalaga ng DPWH.

Tiniyak ng DPWH na tatlo hanggang apat na buwan matatapos ang pagpapatayo ng “instant flyover upang magtuluy-tuloy ang biyahe ng mga sasakyan mula Ateneo pakaliwa sa northbound ng C. P. Garcia.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Nilinaw ni Tolentino na ituturnilyo at ipapatong lamang ang temporary flyover at hindi kinakailangang maghukay.

Isinara ang ilang U-turn slots sa Aurora flyover at C.P. Garcia upang bigyang-daan ang implementasyon ng one-truck lane policy at nilagyan ng traffic signal lights ang ilang bahagi ng Katipunan.

Samantala inaayos na ng MMDA ang inirereklamo ng mga motorista na hindi synchronized na signal lights sa Katipunan.