BACOLOD City– Kapwa nagwagi sina elite runners Maclin Sadia at Stephani Cadosale mula sa kanilang mga kategorya sa 21K main event ng 38th National MILO Marathon Bacolod Qualifying Race.

Ang kompetisyon ay kinapalooban ng delegasyon ng 9,266 runners, mas dumoble sa nakaraang taong karera sa Dumaguete.

Dahil sa kanilang magandang achievement, sinunggaban sina Sadia at Cadosale ang premyong P10,000 at tropeo, maging ang coveted slot sa National Finals sa Disyembre 7 at tsansang mapasakamay ang MILO Marathon King at Queen title.

Ipapadala ng MILO ang King at Queensa taon na ito sa Japan para sa all-expense paid trip sa 2015 Tokyo Marathon.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Tinahak ng runners ang napakainit na panahon para sa kanilang bentahe para sa napakahigpit sa karera.

Nakita sa aksiyon para sa 21k male category ang 21-anyos na si Sadia laban sa mahigpit na mga kalaban kung saan ay nakapagposte siya ng oras na 01:14:16, may manipis na kalamangan kay Joel Alcorin (01:14:22) at Rowell Hulleza (01:17:16) na tumapos na ikalawa at ikatlo, ayon sa pagkakasunod.

Nagsimula si Sadia, tubong Cadiz City sa Negros Occidental, sa kanyang pagtakbo sa kanhyang elementary school days.

Ang financial problems ang nagpuwersa sa kanya upang huminto sa pag-aaral noong 2005 kung saan ay nagtrabaho siya bilang delivery boy ng soft drinks sa isang sari-sari stores upang suportahan ang kanyang mga kapatid. Napamahal sa kanyang pagtakbo, nagsimula itong mag-training sa ilalim ng paggabay ng kanyang ama na si Alino Sadia, ang dating runner na nagpartisipa sa marathons sa Bacolod.

Nagpartisipa na sa kanyang ikatlong taon sa MILO Marathon, ikinasiya nito ang oportunidad na mapasabak sa mga pinakamahuhusay na athletes.

“I came in with humble expectations of finishing with a good time, yet I am grateful to have not only won but achieve a career-best finish with this performance,” saad ni Sadia. “I was focused in my training and today’s success is a culmination of all those sacrifices. I look forward to celebrating this win and sharing my earnings with my family.”

Sa distaff side, ipinaklita ni Cadosale ang walang kapagurang kampanya kung saan ay naitala nito ang impresibong oras na 01:33:43, inungusan sina Mereeis Ramirez (01:38:59) para sa second place, at Iresh Belleza (01:42:42) para sa third place.

Nagsimula si Cadosale, ang 4th year college student sa Central Philippine University, sa pagsasanay sa pagtakbo nang siya’y grade 6 pa lamang. Sa nasabing panahon, ipinagpatuloy nito na palakasin pa ang kanyang technique at i-develop ang kanyang endurance, kung saan ay napasakamay pa nito ang athletic scholarship sa Track and Field sa university level.