AFP – Ginawa na ni Rafael Nadal ang hinihintay na pagbabalik niya sa aksiyon ngayong linggo sa China Open, kung saan layong niyang hamunin ang 100 percent record ni world number one Novak Djokovic sa Beijing.

Si Nadal, na hindi pa naglalaro mula noong Wimbledon makaraang magtamo ng isang right wrist injury, ay ginawa ang kanyang comeback sa torneo kung saan naangkin niyang muli ang top spot sa kabila ng pagkatalo sa final sa Serb na si Djokovic.

Muli, alam ng 28-anyos na Spaniard na magiging dikdikan ang laban sa kanyang pinakamahigpit na karibal.

“Novak dominates... almost all the tournaments. He’s one of the best players that I have ever seen,” ani Nadal.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Normally he likes to play here (in Beijing). We’ll see what’s going on this year.”