Iminungkahi ni dat ing Philippine National Police (PNP) chief at ngayon ay rehabilitation czar Panfilo “Ping” Lacson na panahon na para ipatawag si PNP Director General Alan Purisima upang magpaliwanag sa kontrobersiyang kinasasangkutan nito.

Sinabi ni Lacson, dapat na ipatawag ni Pangulong Benigno S. Aquino III ang PNP chief upang magpaliwanag sa mga alegasyong ipinupukol dito, kabilang na ang multi-milyong “White House” sa Camp Crame at mga ari-ariang hindi umano nakasaad sa statement of assets, liabilities and net worth (SALN) ng opisyal.

“I-summon ni PNoy, mag-usap sila nang masinsinan. Tanungin na lamang niya, isa-isahin ‘yung isyu... Palagay ko naman sa tagal ng kanilang samahan ay may respeto sila sa isa’t isa, hindi naman siguro para magsinungaling pa si General Purisima kay Pangulong Aquino,” sabi ni Lacson.

Hinimok din ni Lacson si PNoy na magkusa na lang si Purisima na i-assess ang sarili.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

“On his own, dahil naaapektuhan na ang lahat, sabihin na natin pati ‘yung kredibilidad ng ating Pangulo, kung in his heart of hearts alam niyang may mga katotohanan ‘yung mga akusasyon sa kanya, magkusang-loob na lang siyang lumapit at magsabing, ‘magbabakasyon muna ako... magre-resign na po ako’,” ani Lacson.

Ipinaliwanag pa ni Lacson sa kanyang mungkahi na kapag may problemang kinakaharap ‘yung liderato ay maaapektuhan ang peace and order.

Matatandaan na kinasuhan ng plunder, graft and corruption at indirect bribery si Purisima dahil sa umano’y itinatagong yaman nito.