JAKE-Cuenca

AMINADO si Jake Cuenca na medyo nasaktan siya sa mga negatibong reaksiyon ng mga nakapanood sa kanya sa katatapos na Naked Truth ng Bench. Kaya never na raw siyang magpaseksi sa isang fashion show.

Hindi naman daw ‘yun dahil lang negative feedbacks sa ginawa niya sa Naked Truth kundi naipangako na niya sa sarili niya na huling pagkakataon na iyon.

Kaya todo-todo navang ginawa niya at ipakita na niya ang anumang kaya niyang ipakita sa isang fashion show.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

“Huling show ko na ‘yun, siyempre, I always come up with these gimmicks every time I do the Bench fashion show, and I always try to be as daring as I can. But ‘yun na nga, even before I did the show, I already announced that was my last,” sey ng alaga ng kaibigan naming si Niel de Guia.

“I want to go out with a bang. I mean, gusto ko, maalalala nila ang huling ginawa ko. Kaya hayan ang dami nilang komento. But honestly, kahit papaano, eh, masaya na rin naman ako dahil kahit papaano, eh, napansin pa rin naman nila ang ginawa ko,” banggit pa ni Jake. Ayon sa aktor, ang susunod na unti-unting mapapansin ng madlang pipol ay ang mga pagbabago sa acting career niya. Dahil may ibang direksiyon na raw itong patutunguhan.

“Pagdating sa pagpapaseksi na ‘yan, eh, gusto kong ibigay na ‘yun sa mga younger people. I am evolving in my career na I just want to focus more on acting,” sabi ni Jake.

Next week na ang alis niya papuntang New York para sa pagaaral niya sa Lee Strasberg Theatre and Film.