Hindi kuntento ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa paghingi ng paumanhin ng kumpanyang Bench sa kanilang palabas na “The Naked Truth” event fashion show, na umani ng batikos sa Simbahan at netizens.

Ayon kay CBCP-Episcopal Commission on Youth Executive Secretary Father Kunegundo Garganta, dapat nakita na ng mga organizer ng fashion show noon pa man na malaswa ang kanilang binuong konsepto ng palabas. Dapat rin aniyang naging sensitive ang Bench sa kultura ng mga Pilipino.

Hinamon ng pari ang kumpanya na ipalabas sa mga billboard na nagsisi sila sa kanilang iresponsableng palabas.

Kaugnay nito, patuloy na ibo-boycott ng mga kabataan at Simbahan ang mga produkto ng Bench hanggang hindi naipapakita ng kumpanya ang kanilang pagiging responsable sa pagsusulong ng produkto na naayon sa kultura at moralidad ng mga Pilipino.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Siguro more than that, ipakita ng company na responsible sila, na hindi lang doon sa gamit na pinupromote kungdi sa mga paraan o mga pakulo upang mapansin ang kanilang produkto. We will campaign na ang mga consumer ay maging sensitibo na kahit nagsabi na ang ilang grupo na period na ang boycott ay dapat maipakita nila na long term ang kanilang responsible promotion ng kanilang product,” ani Garganta, sa panayam ng Radio Veritas.

Umani ng batikos ang fashion show event ng Bench na dinaluhan ng naglalakihang artista at modelo dahil sa malalaswang palabas nito, kabilang na ang isang babaeng nakatali at hila-hila ng isang sikat na aktor.