JAEN, Nueva Ecija— Labintatlong pinuno ng barangay sa bayang ito ang naghain ng reklamong swindling laban sa isang 23-anyos na babae na nagpakilalang reporter.

Sa ulat ni P/Sr. Insp. Rodel Maritana, hepe ng Jaen Police Station sa tanggapan ni Sr. Supt. Crizaldo O. Nieves, Nueva Ecija Police Director, kinilala ang suspek na si Marly Andales y Pantuan, residente ng #235 Valino St., Bgy. Aduas Sur, Cabanatuan City at nagpakikilang reporter ng Pinoy In Action at ng TV 48 at provincial station DWNE sa Palayan City.

Lumitaw sa pagsisyasat ni SPO1 Hilarion Malaca na 2:00 ng hapon ay inaresto ni Bgy. Chairman Teodoro Cruz ng Bgy. Sapang dito si Andales sa isang entrapment makaraang manghingi ng bayad sa paglalathala at pag-uulat sa kanyang accomplishment.

Lingid sa kaalaman ng suspek ay nakatimbre na siya sa tanggapan ni Jaen Mayor Santiago Austria dahil sa dami ng mga punong barangay na kanyang biniktima. - Light A. Nolasco

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho