Oobligahin ang mga bangko na mag-alok ng insurance policy sa mga may Automated Teller Machine (ATM) card upang mabigyan sila ng proteksiyon mula sa mga sindikato ng cardskimming, mga magnanakaw at mga holdaper.

Sa ilalim ng House Bill 5036 na inihain ni Pasig City Rep. Roman Romulo, bibigyan ng option ang depositor na magkaroon ng seguro para sa pero nito sa bangko.

Ang buwanang babayaran ng depositor na nais mag-avail ng ATM Theft Insurance Policy ay hindi dapat humigit sa P20 kada buwan o P240 bawat taon.

“If the law permits obtaining insurance policies on properties we value such as vehicles and houses, with more reason to pass this bill because more often, money deposited in ATM accounted are salaries of employees or allowances or tuition of students,” sabi ni Romulo, chairman ng House Committee on Higher Education.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

“This is also to ensure the safety of our people. If a person is being forced to withdraw his hard earned salary at gunpoint, he can just give in without having to gamble with his life because he knows he can recover the same because his funds are insured,” dagdag niya.

Alinsunod sa panukala, maaaring mabawi ng depositor ang halagang na-withdraw sa card-skimming, pagnanakaw o iba pang paraan nang hindi niya alam o wala siyang pahintuloy, pero hindi ito dapat na humigit sa P50,000. Hanggang tatlong beses lang maaaring magavail ng claim sa bawat taon.

Dapat lang na maihain ng depositor ang claim pitong araw matapos ang pagnanakaw.

Ang sinumang lalabag ay pagmumultahin ng P50,000 hanggang P300,000 o anim hanggang 12 taong pagkapiit