Aabot sa 157 sundalo ng Philippine Navy ang ipinadala bilang mga bagong peacekeeper sa Haiti noong Lunes matapos umuwi ang 328 Pinoy peacekeeper mula sa Golan Heights kabilang ang mga nakipagbakbakan sa mga rebeldeng Syrian doon kamakailan.

Makakasama ng mga ang peacekeeper sa ibang bansa sa ilalim ng United Nations Stabilization Mission in Haiti (MINUSTAH) at magsisilbi sila bilang mga VIP security, administrative at logistics personnel, at perimeter security sa Force Headquarters ng UN Mission sa Haiti.

Binuo noong 2004 ng UN ang MINUSTAH para magpadala ng mga peacekeeper sa Haiti sa Central America dahil sa kaguluhan doon nang bumagsak ang kanilang pamahalaan. Noong 2010, tatlong Pinoy peacekeeper ang namatay sa Haiti nang gumuho ang headquarters ng UN doon dahil sa lindol.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente