OGIE-Alcasid-copy

ITINUTURING na isa nang institusyon sa entertainment industry ang Eat Bulaga ng Tape Productions. Ilang programa na ba ang napataob ng noontime show nina Tito, Vic and Joey and the rest of the Dabarkads na hanggang sa ngayon ay nasa ere pa rin.

Pati nga ang ABS-CBN executive nakausap namin ay nakapagsabi na hanggang aktibo ang Eat Bulaga sa pagbibigay kasiyahan sa televiewers, masasabing runner-up lamang ang mga katapat na programa.

Dagdag pa niya, kahit ilang beses na rin namang natalo sa ratings ng mga itinapat na programa ang EB, sa huli ay lagi pa ring wagi ang noontime show ng Tape Productions.

National

PAOCC Usec. Cruz, inaming may lumapit sa kaniya para tulungan si Alice Guo

Aminado rin ang kausap namin na maski na nga raw sa It’s Showtime na kasalukuyang itinapat ng Dos hosted by Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro, Karylle at iba pa ay aminado ang management ng Dos na kailangan nilang maghanap parati ng bagong segments na papatok agad sa panlasa ng televiewers upang kahit papaano ay makadikit o ‘di kaya ay matalo nila ang Eat Bulaga.

From the same source, nalaman namin na mas magiging exciting ang labanan ng noontime shows kapag pumasok na rin ang bagong programang niluluto ng TV5. Isang kakaibang noontime show daw ang itatapat ng Singko sa mga pangtanghaling show ng Dos at Siyete.

“Hindi po si Willie ang magho-host kundi sina Ogie Alcasid, Bayani Agbayani, Jojo Alejar at marami pang iba,” sey pa ng source namin.

Dagdag pa niya, may mga papasok ring female hosts sa show ng Singko pero kasalukuyan pang pinaplantsa ng mamamahala nito, ang magbabalik sa telebisyon na si Ms. Kitchie Benedicto.

Bonus na info pa ng source namin, magbabalik hosting na rin si Willie Revillame pero hindi na sa TV 5 kundi sa GMA-7.