Humingi ng dispensa at pang-unawa ang pamunuan ng North Luzon Expressway (NLEX) sa mga motorista at biyaherong naiipit sa matinding trapiko.
Sinabi ni Francisco Dagohoy, media relations specialist ng NLEX, na ang port congestion pa rin ang isa sa mga pangunahing dahilan ng matinding trapiko, bukod pa sa ipinatutupad na one truck lane policy.
Dagdag pa nito, nagpakalat na ng mga traffic management personnel partikular na sa strategic location ng expressway.
Dinala ang mga traffic enforcer sa bahagi ng Monumento sa Caloocan, sa Mindanao Avenue Interchange at sa biyaheng A. Bonifacio sa Quezon City.S
Bukod sa paghingi ng pang-unawa, umapela rin ang NLEX sa mga motorista na unawain ang sitwasyon at konting tiis lamang sa trapiko.
Iminungkahi rin ni Dagohoy sa mga motoristang patungo sa Quezon City na dumaan na lang sa Mindanao Avenue, habang ang mga patungo sa Maynila ay maaaring dumaan sa Valenzuela Exit.