NEW YORK (AP)— Nagkakaroon ng preliminary discussion ang US Secret Service tungkol sa paglalatag ng mga security screening checkpoint malapit sa mga publikong lugar sa palibot ng White House, sinabi ng isang law enforcement official sa The Associated Press noong Linggo.

Sinabi ng opisyal na dati na itong napag-usapan ng ahensiya. Ngunit ngayon ay minamadali ang mga detalye kasunod ng insidente noong Biyernes na isang lalaking armado ng kutsilyo ang tumalon sa pader ng White House nakarating sa entrance ng gusali.

TINGNAN: Listahan ng mga nag-file sa pagkasenador at party-list sa huling araw