MAGKAKATUWANG na naglunsad ang Pamahalaang Lungsod ng Antipolo, ang Department of Environment and Natural Resources DENR) at ang Philippine Information Agency (PIA) tungkol sa Orientation Campaign sa Climate Changen nitong nakalipas na linggo. Ginanap sa Cloud 9 Sports & Leisure Club sa Barangay Sta. Cruz, Antipolo City, ang tema ng okasyon ay “Nagbabago ang Panahon, Panahon na Para Magbago”

Layunin ng orientation campaign, ayon kay Antipolo City Mayor Jun Ynares na lubos na maunawaan ng mga mamamayan ang epekto ng pagbabago ng panahon sa buhay ng tao at himukin ang mga pangunahing sektor partikular ang kabataan na lumahok sa mga gawain tungkol sa climate change.

Naging pangunahing tagapagsalita sa Orientation sa Climate Change si G. Arnold Belver ng Climate Change Commission. Sa bahagi ng kanyang mensahe ay ipinahayag niya ang mga dapat gawin sa pagbabago ng panahon at kung paano nakakaapekto ang climate change sa ating pananamit, sa mga kinakain at maging sa ating mga asal at pag-uugali

Makatutulong at magsisilbing proteksiyon sa ating kapaligiran ang paglilinis sa komunidad o pamayanan at pagtutulungan ng bawat isa na malaking bagay upang labanan ang climate change at ang pag-iinit ng mundo bunga ng polusyon. Makatutulong din ang pagtatanim ng mga puno at halaman sa bakuran at ugaliin mag-recycle at maghiwalay ng mga basurang nabubulok at di nabubulok. “We need to transform the way we change, that’s why we are here to help each other noting that partnership is a big del so we must work together,” dagag pangpliwanag ni Belver.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Ang Orientation sa Climate Change ay pinangasiwan nina Dodie Coronado, ng Public Information Office (PIO) ng Antipolo at Ret. Col. Rolllie Velicaria, ng City Disaster Risk Reduction Management Council ng Antipolo na kapwa nagpahayag ng kanilang pasasalamat sa lahat ng mga lumahok at dumalo sa Climate Change Orientation.