Opisyal na idineklara bilang Most Valuable Player ng UAAP Season 77 men’s basketball tournament si Ateneo team skipper Kiefer Ravena.

Batay sa statistics na inilabas ng official statistician ng liga na Imperium Technoloy at sa pagtaguyod ng Smart Bro, nakatipon si Ravena ng 77.6429 statistical points matapos pangunahan ang muling pagbabalik ng Blue Eagles sa finals sa season na ito.

Awtomatiko ring nakapasok sa Mythical Team ang third year Ateneo guard kasama ang kanyang mga pinakamalapit na katunggali sa MVP awards na sina La Salle team captain Jeron Teng na may naiposteng 68.2143 statistical points, Tamaraws forward Mark Belo na may 61.2857 points, ang kanyang kapwa Blue Egles na si Chris Newsome na may 60.6429 points at University of Santo Tomas (UST) center Karim Abdul na may 57.6124 .

Para naman sa labanan sa Rookie of the Year honors, nanguna naman ang kakampi din ni Ravena na si Arvin Tolentino.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Bagamat nasa ika-22 lamang sa hanay ng mga top performer ngayong taon, ang dating San Beda College (SBC) center ang siya namang nanguna sa hanay ng mga manlalarong galing sa high school na naglaro sa UAAP Season 77.

Nakatipon ang Blue Eagle forward ng kabuuang 40.2143 statistical points (SPs) matapos ang eliminations kung saan inungusan niya ang pinakamalapit na katunggaling si Prince Rivero ng La Salle na nagtapos na ika-38 sa natipon nitong 28.5 SPs.

Nakatakdang tanggapin ng individual awardees ang kanilang mga parangal sa finals ng torneo sa susunod na buwan kasama ang women’s division top performers.