Jodi Sta copy

DESIDIDO na si Jodi 5ta. Maria na ipagpatuloy na ang kanyang pagaaral.

Pangarap ng aktres, na isa sa mga bida ng kasalukuyang pinipilahang pelikulang Maria Leonora Teresa na makapagtapos siya ng pag aaral at matupad ang kanyang pangarap na maging doktor.

Banggit ng aktres, gusto niyang maging magandang halimbawa sa anak niya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Ayokong dumating ang panahon na 'pag pinilit ko siyang magaral, eh, tatanungin niya ako na bakit ako hindi ko natapos ang pag-aaral ko," sey ni Jodi.

Nakapagtapos ng kanyang high school sa edad na 28, at nagsimulang kumuha ng Medical Biology sa De La Salle University sa Dasmarinas, Cavite.

"Gusto ko po maging doktor. Nakapasok po ako doon sa school nila pera hindi ko pa talaga ako nakatapos ng kurso. Noong time na nag-aaral ako, nagti-taping din ako. Hindi ko na alam kung paano ko hahatiin ang katawan ko.

"Pero pangako ko sa sarili ko na babalikan ko ang pag-aaral at walang sinumang maaring humarang sa desisyon ko," seryosong banggit pa ng magaling na aktres.

Hindi naman niya tuluyang iiwanan ang showbiz dahil tatanggap pa rin siya ng trabaho sa TV at pelikula. Pera dapat na niyang bigyan ng prayoridad ang pangarap niyang makapagtapos ng Medisina.

Bagamat sobrang busy pa siya sa kanyang showbiz commitments ngayon, naglalaan na siya ng panahon para sa matagal na niyang dream.

Samantala, marami ang nagsasabi na lalong gumanda si Jodi Sta. Maria ngayon at mukhang wala siyang problema sa buhay. Dahil kaya ito sa boyfriend niyang si Jolo Revilla?

Mariing itinanggi ni Jodi Sta. Maria ang isyu na nagkaproblema sila ni Jolo. Lalong hindi totoo ang tsismis na hiwalay na sila. Katunayan, mas lalong matatag ngayon ang relasyon nila kumpara sa mga nagdaang buwan.