Angelo-Ilagan-copy

BALIK-SHOWBIZ NA

BALIK-SHOWBIZ na naman si Angelo Hagan, ang pamangkin ng namayapang aktor na si Jay Bagan. Pagkaraan ng ilang taong pagiging inactive sa showbiz ay mapapanood na uli ang aktor sa isang espesyal na episode ng Maalaala Mo Kaya kasama sina Jake Cuenca at Meg Imperial.

Hindi naman itinanggi ni Angelo na yumabang talaga siya mula nang makilala bilang artista. May mga nagawa na siyang projects sa Dos noon simula nang ilunsad siya bilang isa sa members ng Star Circle Batch 13 ng Star Magic.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

"Pinapirma ako ng Star Cinema ng movies, tatlo, 'tapos Star Magic, lumaki talaga ang ulo ko. 'Tapos, 'yung tiwala ng mga tao sa akin, nawala na," pagamin ni Angelo.

Ikinuwento rin ni Angelo na nauwi sa wala ang mga pagsisikap niya noon sa showbiz. Muling naghirap ang pamilya niya lalo na noong hindi na siya binigyan ng project ng Dos, at aminado naman ang aktor na kasalanan naman niya kaya umabot sa ganoon ang sitwasyon.

Nawalan sila ng matitirhang bahay, kaya naranasan niyang magpalabuy-Iaboy sa lansangan.

"Aaminin ko, 'di ako mahihiya, isa ako sa mga pulubi na naging snatcher. May mga taong minamaliit ka, eh, sasabihin sa iyo bakit palaboy ka, paikut-ikot kasi ako noon. Naging jeepney driver ako, naging tricycle driver ako," sey pa ni Angelo

So, mukhang may katotohanan nga ang ibinida sa amin ng isang kaibigan naming mayamang gay na mag-a-antique na dahil marahil sa wala nang malapitan ang aktor ay mad alas niyang kinakatok kahit madaling araw ang naturang kaibigan narnin, huh!

Pero mukhang nalampasan na ngayon ni Angelo ang lahat ng mga pagsubok dahil na rin sa tulong ng isang kaibigan. Sa ngayon ay simpleng namumuhay ang aktor kasama ang kanyang pamilya sa Cavite.