Inaprubahan ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang nagpapalawig sa Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) hanggang sa 2016.

Pinahihintulutan ng Senate Bill No. 2278 ang Department of Agrarian Reform (DAR) na ipagpatuloy ang pagkuha at pamamahagi ng mga lupang sakahan na sakop ng CARP sa mga benepisyaryong magsasaka.

Sinabi ni Senator Gregorio Honasan II, awtor at tagapagtaguyod ng panukala, na ang pag-apruba sa panukalag batas ay nangangahulugan na pinapayagan ang DAR na ipagpatuloy ang pamimigay ng Notice of Coverage (NOC) hanggang sa Hunyo 30, 2016.

Sinabi ni Honasan na inaamyendahan ng Section 2 ng SBN 2278 ang Section 30 ng CARP law o Republic Act. No. 9700.

Metro

Lalaking bugbog-sarado matapos gahasain ang 4-anyos na bata, arestado!

“The law does not, in effect, expire. It is a continuing process until the acquisition and distribution is terminated,” paliwanag ni Honasan sa isang pahayag.

Ayon kay Honasan ang panukala ay sinertipikahang urgent ng Malacañang noong Hunyo 2014.

Unang ipinatupad ang CARP noong 1988. Pinalawig ito ng limang taon pa noong Hunyo 2009 sa pamamagitan ng Republic Act 9700 o ng Comprehensive Agrarian Reform Program Extension with Reform o CARPer. - Hannah Torregoza