CABANATUAN CITY— Napatay sa engkuwentro sa pulisya sa bayan ng Aliaga noong nakaraang linggo ang hired killer na pumaslang sa provincial jail warden noong isang buwan, ayon sa isang mataas na opisyal ng PNP.

Sinabi ni Sr. Supt. Crizaldo O. Nieves, Nueva Ecija Police Director, na si Renato Galang ay positibong kinilala ng mga testigo bilang gunman na pumatay kay Warden Enrico Campos noong Agosto 13, 2014.

Si Galang ay napatay sa engkuwentro sa Bgy. San Felipe Matanda, Aliaga, Nueva Ecija matapos makipagbarilan sa mga pulis noong Setyembre 9, ayon kay Nieves.

Ayon sa PNP, si Galang ang lider ng isang grupo ng gun-for-hire na sangkot sa serye ng carnapping at pagnanakaw at pagpatay kina PO2 Marcos Lopez at PO2 Rolando Basmayor Jr.

Pagdagsa ng mga pasahero sa PITX, inaasahang papalo ng 3 milyon ngayong holiday season!

Labis na ikinaalarma ng probinsiya ang pagkakapaslang kay Campos at nag-alok pa si NE Gov. Aurelio “Oyie” Matias Umali ng P1 milyong reward sa sinumang makakapagturo o makakahuli sa killer ng warden.