Pag-angat ng isang ranggo ang naghihintay sa pagbalik ng 72 Pinoy peacekeepers na nakipaglaban sa Syrian rebels.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gregorio Catapang, marapat lamang na bigyang promosyon ang mga ito dahil sa ipinamalas na katatagan at paninindigang huwag sumuko nang kubkubin ang kanilang kuta sa Golan Heights.

Sa Senado, binabalak ni Senator Antonio Trillanes IV na pagkalooban ng combat promotions sa mga sundalo na pawang miyembro ng Philippine Army (PA). - Leonel Abasola
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20