Iniutos kahapon ng Sandiganbayan sa chairman ng Philippine General Hospital (PGH) na si Dr. Jose Gonzales na tumestigo sa hukuman kaugnay ng kalagayan ng kalusugan ni suspended Senator Juan Ponce Enrile.

Sa inilabas na subpoena ng 3rd Division ng anti-graft court, pinadadalo rin sa pagdinig ang medical team na sumuri kay Enrile upang magbigaypaliwanag sa nasabing usapin.

“You are hereby commanded to appear before the Sandiganbayan, Third Division, on the fourth day of September, 2014, at 1:30 in the afternoon to be present at the hearing, then and there to testify in the above-entitled case pending therein. Fail not under penalty of law,” pagbabanta ng hukuman kay Gonzales at sa kanyang medical team.

Si Enrile ay inakusahang nagkamal ng P172.8 milyong kickback sa mga bogus na non-government organization (NGO) ni Janet Lim-Napoles, mula 2004 hanggang 2010.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Pansamantala siyang ikinulong sa Philippine National Police General Hospital habang hindi pa nadidesisyunan ang kanyang mosyong humihiling ng hospital arrest.