Nilagdaan ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz ang Administrative Order No. 351 Series of 2014 na inaatasan ang lahat ng DOLE regional directors na makipagugnayan sa Department of Trade and Industry sa pag-organisa ng Diskwento Caravan sa buong bansa sa ikatlong quarter ng 2014.

“The Caravans shall be held immediately after the paydays and preferably within the grounds of the city/ town halls identified by the local government unit. In prioritizing the LGUs hosting the Caravans, the DOLE shall consider municipalities densely-populated by low-income households,” ani Baldoz.

Ang Diskwento Caravans sa taong ito ay magbibigay ng mga diskwentong presyo sa mga de lata, noodles, bigas, juice, kape, processed meats, condiments, gatas, mga gamot, uniporme sa eskuwelahan, mga bag, sapatos, sabon pampaligo at panlaba, at pangunahing damit, at iba pa. - Mina Navarro

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho