Kinasuhan na sa Prosecutor’s Office ang driver ng isang colorum na tricycle na nangholdap at nanaksak ng ice pick sa isang estudyante sa Calasiao, Pangasinan.

Sa nakalap na impormasyon mula sa Calasiao Police, kinasuhan ng robbery with frustrated homicide si Jon Jon Zamorra Tualla, ng Barangay Poblacion West, Calasiao.

Kinilala naman ang biktima na si Jamaica Jamine Magsanoc, 20, college student at residente ng Bgy. San Miguel, Calasiao, na himala namang nakaligtas sa tinamong saksak.

Sa pag-iimbestiga ng Calasiao Police, sumakay si Magsanoc sa tricycle ng suspek at pauwi na sa Bgy. San Miguel, dakong 9:00 ng gabi noong Agosto 23.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Pagsapit sa malapit sa Bureau of Internal Revenue ng Calasiao ay isinaksak ni Tualla ang kamay nito sa bibig ni Magsanoc at pinagsasaksaksa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima bago tinangay ang wallet nito na may P1,000 at mga ID.

Kinagat umano ni Magsanoc ang kamay ng suspek kaya nakatakas siya at agad na nakapagsumbong sa pulisya. - Liezle Basa Iñigo