NEW YORK (Reuters)– Nagkamit si Andy Murray ng double-fault upang umabot ang laban sa fourth set, ngunit agad itong nakabawi at sinungkit ang 6-1, 7-5, 4-6, 6-2 panalo laban sa Russian na si Andrey Kuznetsov upang umabante sa fourth round ng U.S. Open kahapon.

Ang eighth-seeded na si Murray, nilabanan ang pulikat sa kanyang first-round win, ay muling nasubok sa groundstoke battle nila ng unseeded na Russian sa isang mainit na araw sa Flushing Meadows, ngunit nagawa niya itong malampasan.

“He played some good stuff at the end of the second set and all the through the third,” ani Murray. “I just tried to stay solid in the fourth set and thankfully it paid off.

“I feel better than I did in the first match, obviously. I made sure I did everything properly. I ate properly, drank properly and I felt a lot better today.”

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Susunod na makakaharap ni Murray, ang 2012 U.S. Open winner at kampeon sa Wimbledon noong nakaraang taon, ang mananalo sa pagitan ng ninth-seeded Frenchman na si Jo-Wilfried Tsonga at Pablo Carreno ng Spain.