Pagkakalooban ang mga may-ari o employer ng ex-convicts ng tax credit na P3,000 o dalawang porsiyento ng basic salary ng manggagawa upang mahikayat ang mga kompanya o indibidwal na tanggapin sa trabaho ang mga dating bilanggo.

Sinabi ni Zamboanga del Norte Rep. Isagani S. Amatong na layunin ng kanyang House Bill 4790 (Ex-Convict Reintegration Law of 2014) na tulungan ang mga dating preso na maibalik ang kanilang dignidad sa pamamagitan ng paglikha ng isang sistema ng insentibo para sa mga kompanya at indibidwal na magbibigay sa kanila ng pangalawang pagkakataon sa buhay.

Saklaw ng panukala ang lahat ng dating bilanggo na napagsilbihan ang kanilang sentensiya, parole, pardon o probation.
National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros