BOGOTA (AFP) – Tatlumpu’t dalawang lokal na mambabatas ang inaresto ng mga awtoridad sa Colombia dahil sa hinihinalang pakikipag-ugnayan sa ilang paramilitary group na naging ugat ng 50-taong kaguluhan sa bansa bago ito tuluyang nabuwag isang dekada na ang nakararaan, sinabi ng prosecutors noong Huwebes.

Mga kasalukuyan at retiradong alkalde, dating mga konsehal, civic leaders at mga kandidato sa pagkasenador ang ilan sa mga dinakip sa rehiyon ng Uraba.

Ayon sa isa sa mga nagsakdal, nasa 50 arrest warrant ang nailabas, batay sa pag-amin ng ilang nahuling lider ng paramilitary groups.

“The investigation indicates these people are linked to the Elmer Cardenas block, which was led by Freddy Rendon Herrera,” anang prosekusyon. Si Rendon ay akusado sa pagpatay sa 4,301 katao sa iba’t ibang massacre sa Uruba noong 1990s at 2000s.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists