Umapaw ang mga kalahok sa 3-Year-Old and above Maiden A-B, Class Division, Special Class Division at Handicap races sa karerang magaganap sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite ngayon.

Sa siyam na karerang inihanda, kapapalooban ito ng dalawang Winner Take All, Pick 6, Pick 5, Pick 4, Trifecta, Quartet, Pentafecta at Super Six.

Sa pagsisimula ng WTA sa race 1, tatlong kalahok ang binibigyan natin ng panalo at ito ay ang Lucky na sasakyan ni star jockey Jessie B. Guce, Blue Sapphire na dadalhin ni jockey M.V. Pilapil at Stone Rose na rerendahan ni jockey Rus M. Telles.

Malaki naman ang tsansang magwagi ng Storm Blast sa race 2 na panimula ng Pick 6 event.

National

Davao Oriental, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Sa 2nd WTA event sa race 3, magandang piliin ang Litte Ms. Hotshot, Gee’s Melody at Yellow Soldier bilang pamoste sa nasabing karera.

Sa pagpapatuloy ng laban, puwedeng lumagay sa Mighty Zeus at Papa Joe bilang pandiin sa karera.

Sa race 5, siyam na kabayo ang magkakagitgitan at tatlo sa mga ito ang pinapaboran, ang Ik Hou Van, Yes Pogi at Endorser at sa race 6 ay maaring lumagay sa Amberdini.

Sa race 7, magiging paratingan sa WTA ang Minalin, Work of Heart, Silver Ridge at Golden Hue at sa race 8 ay minamataan natin ang Mayumi.

Sa race 9, huling paratingan para sa 2nd WTA, isama ang Salvatore, Danzcotic, Ideal View, Panamera, Poker Chip at Black Label na kasabay rin ng Quartet at Super Six.