28suspect copy

Lutas na ang kaso ng pagpaslang kay international car racer Ferdinand “Enzo” Pastor nang masakote ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang mastermind at hired killer na pulis, iniulat kahapon.

Base sa report ni QCPD Director P/Chief Supt. Richard A. Albano, kinilala ang hired killer na si PO2 Edgar Angel, 42, Pasay Police, nakatira sa No. 170 Villaruel St., Brgy. 28 Zone 4th District, Pasay City.

Habang arestado naman ang mastermind sa krimen na si Domingo De Guzman alyas Sandy, 40, negosyante at nakatira sa No. 61 Lido St., BF Homes, Paranaque City.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

Lumitaw sa imbestigasyon ni P/Supt. Marcelo ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), si PO3 Angel ay nasukol ng mga operatiba ng QCPD Anti–Illegal Drugs – Special Operation Group (DAID-SOG)noong Agosto 23 sa tapat ng Cynneth Bakeshop sa Boni Serrano Road, Libis, Quezon City sa buy-bust operation. Sa gitna ng imbestigasyon, inamin nitong siya ang pumatay kay Enzo Pastor at si De Guzman ang nag-utos sa kanya.

Bukod sa nakumpiskahan ng 100 gramo ng shabu, sa gitna ng imbestigasyon inamin PO3 Angel na inupahan siya ni Domingo para tambangan at patayin si Enzo Pastor at may bonus pa umanong P50,000.

Kasunod nito, dakong 5:00 ng hapon kamakalawa, hindi na nakapalag si De Guzman nang arestuhin ng mga operatiba ng CIDU sa hideout nito sa Sto. Niño Village, Muntinlupa City. Nakumpiska ng mga awtoridad kay De Guzman ang .45 kalibre ng baril na puno pa ng bala, at isang Toyota Corona na may plakang UDU–725.

Magugunitang noong June 12, 2014, tinambangan at pinagbabaril hanggang sa mapatay ang car racer na si Enzo Pastor sa loob ng kanyang sasakyan sa Quezon City.

Nakapiit ngayon sa CIDUsa Camp Karingal ang mga suspek na sina De Guzman at PO3 Angel makaraang sampahan ng kaukulang kaso sa Quezon City Prosecutors Office. - Jun Fabon