VICKIE

Ni CHIT A. RAMOS

ISINUSULONG ni Madam Kris Aquino ang love team ng PBB All In Big Winner na si Daniel Matsunaga at 3rd runner-up na si Vickie Rushton.

Kinakitaan kasi niya ng chemistry ang dalawa sa loob ng Bahay ni Kuya.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

I see nothing wrong with it, lalo’t tinutulungan ni Madam Kris ang Brazilian-Japanese model na matupad ang pangarap nitong makasama na rito sa ‘Pinas ang kanyang pamilya (mom, two siblings, at kanilang dad na magre-retire na sa trabaho in six months time).

“Filipinos has been so good to me and I want my family to experience this with me. They are so eager to join me,” pagtatapat ni Daniel upon seeing her mom and sister Vanessa with matching dog, bilang sorpresa sa kanya ni Big Brother sa big night ng PBB.

Kayang-kaya na ni Daniel ngayon na dalhin dito ang kanyang pamilya dahil may sapat-sapat na siyang pera (P1-million), bahay at lupa (worth more than P2-M), at maraming product endorsements. Wala rin siyang problema sa tax, dahil nagbabayad like an honest law abiding foreigner who earns a lot of money in the Philippines.

“I have been living here in the Philippines for five years na. Once a year lang akong nakakauwi dahil magastos at maraming trabahong maiiwan,” dagdag niya.

Concerned si Kris kay Daniel, dahil mas nauna pa raw na magkakaroon ng teleserye ang evicted housemates na sina Loisa, Joshua with Jane samantalang Big Winner si Daniel.

Walang magiging problema kung pagtambalin sina Daniel at Vickie, sa pelikula man o sa teleserye, kahit boyfriend ni Vickie si Jason Abalos. Magandang halimbawa sa ganitong sitwasyon sina Richard Yap at Jodi Santamaria, John Llyod Cruz at Bea Alonzo, Toni Gonzaga at Sam Milby (sa umpisa, bago nagkaroon ng relasyon sina ni Anne Curtis at Sam na ngayon ay break na). Kahit hindi sila mag-BF-GF sa tunay na buhay, at may ibang karelasyon, pero patok na patok pa rin ang tambalan.

Hindi rin kailangang ligawan ni Daniel si Vickie kung saka-sakali, dahil mas priority niya ang trabaho para sa kanyang pamilya. Sinabi rin ni Daniel na may respeto siya kay Jason bilang boyfriend ni Vickie at dahil dito, napamahal siyang lalo sa mga Pinoy at Pinay.

To top it all, puwede namang magkaroon ng love triangle sina Daniel-Vickie at Jason. Sa sari-sarili nilang life stories, may mga idea nang puwedeng paikutin ang think-tank ng ABS-CBN.

I’m sure, magtatagumpay muli si Madam Kris sa pangarap niyang ito para kay Daniel.