Suspendido ang klase kahapon sa Maynila, Taytay, Rizal at sa ilang paaralan bunga ng magdamag na ulan.

Dakong madaling araw nang magdeklara ng suspensyon ang pamunuan ng University of Sto. Tomas (UST) sa pamamagitan ni Giovanna Fontanilla, director for public affairs ng unibersidad. Sunod na nag-anunsyo ng suspensyon ng kanilang kalase ang Caloocan at Manila campus ng University of the East (UE).

Dakong 6:20 ng umaga naman nang ideklara ni Manila Mayor Joseph Estrada ang pagkansela ng klase sa lahat ng antas, pampubliko at pampribadong eskuwelahan sa lungsod. Na-anunsiyo din ang Taytay, Rizal na walang klase sa lahat ng antas, public at private gayundin ang Quezon City.

Iniulat ng PAGASA, ang naranasang ulan ay dulot ng low pressure area (LPA). Itinaas ang yellow rainfall advisory sa Metro Manila, Rizal, Laguna, Cavite, Bulacan, Pampanga at ilang bahagi ng Quezon at Nueva Ecija. - Jun Fabon
National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3