Coco Martin at Kim Chiu

SA tagal na ring panonood sa tambalan nina Kim Chiu at Coco Martin sa Ikaw Lamang, kapansin-pansin ang malakas na chemistry nila lalo na kapag kilig-kiligan ang mga eksena nila.

Halos iisa ang komento ng mga nakakapanood, na-develop na kaya sila sa isa’t isa? Halos hindi na raw kasi iniaarte ng dalawa ang kanilang mga tinginan at sweet moments.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Kung sabagay, malakas ang tendendcy na mahulog ang loob ni Kim sa binata lalo’t talo pa ang prinsesa kung asikasuhin siya ni Coco sa set.

Sa ilang gabi naming panonood maski na masama ang pakiramdam namin, nababasa rin namin na nagti-trending worldwide ang eksenang poso at sa ulanan dahil talaga namang nakakaaliw silang panoorin.

Sila ngayon ang Kilig King and Queen.

Mas gusto ng televiewers na hindi na masyadong mabigat ang mga eksena ngayon sa Ikaw Lamang kumpara sa unang yugto na talagang ililipat mo sa ibang channel sa sobrang tindi ng tensiyon.

Ang pinakaaabangan ng loyal followers ng Ikaw Lamang bukod sa nakakaaliw na mga eksena nina Gabriel (Coco) at Jacqueline (Kim) ay ang pagkakabuking sa kanila ni Natalia (KC Concepcion).

At siyempre, excited din ang lahat sa unti-unting pagsasakatuparan ni Gabriel sa paghihiganti sa mga taong nagkasala sa kanya.