ANTIPOLO CITY – Patay ang isang 66-anyos na Japanese matapos siyang pagbabarilin kahapon sa Barangay Mayamot, Antipolo City.

Ayon sa report ng Antipolo City Police kay Rizal Police Provincial Office director Senior Supt. Bernabe Balba, dead on arrival sa mga tinamong tama ng bala sa katawan si Kasuaki Tzuya, nakatira sa 2nd Floor ng Crisostomo Building, Sumulong Highway, Bgy. Mayamot, Antipolo City.

Nakatakas naman patungong Quezon City ang dalawang hindi nakilalang suspek na lulan sa motorsiklo. Ang isa ay nakasuot ng T-shirt na puti habang ang backrider ay asul ang T-shirt at may suot na baseball cap.

Sa imbestigasyon ni PO3 Rodel Druja, dakong 2:00 ng hapon nang bumaba sa pampasaherong jeep si Tzuya at habang naglalakad ay hinintuan ng motorsiklo ng mga suspek at pinagbabaril ng backrider. - Clemen Bautista
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20