CABANATUAN CITY— Nahuli rin ang isang lalaki na itinuturong nasa likod ng pagkamatay ng isang 21-anyos na live-in partner nito na natagpuang lumulutang sa irrigation canal ng National Irrigation Administration (NIA) ng Sitio Boundary, Bgy. Caalibangbangan ng lungsod na ito noong Huwebes. Kinilala ni P/Supt. Pedro Oliba, hepe ng Cabanatuan City’s Finest (PNP) ang naaresto na si Melvin dela Cruz, 26, residente ng Purok Ilang-Ilang, Mayapyap, na nasakote sa Block 5, Lot 14, Herald Village, Angono Rizal.Sa pagsisiyasat ni P02 Jessie Fernando, sinundo ng salarin ang biktimang si Gladys Esteban Bernardo sa tahanan ng mga magulang nito sa Sitio Boundary noong Agosto 10 at noong Agosto 17 ay nagpa-blotter sa pulis si Ernesto Gomez Bernardo, ama ng biktima na nawawala ang anak simula noon.

Sa follow-up operations ng pulisya katuwang ang operatiba ng Criminal Investigation & Detection Team (CIDT) na pinamunuan ni P/Sr. Insp. Ferdinand Mendoza at naaresto si Dela Cruz. Lumilitaw na matinding selos ang dahilan ng pamamaslang sa biktima sa kinakasama. - Light A. Nolasco
National

Sen. Bato sa impeachment complaint vs VP Sara: ‘If they want to do it, then go ahead!’