Itinuring ng Philippine Constitution Association (Philconsa) ang hakbang ng Kongreso na imbestigahan ang P1.77 bilyong Judiciary Development Fund (JDF) bilang isang buwelta lamang ng gobyerno sa mga bumabatikos sa Disbursement Acceleration Program (DAP).

Hinamon ni Philconsa President Ferdinand Martin G. Romualdez at Chairman Manuel M. Lazaro ang mga lider ng bansa na maging maingat sa pakikitungo sa hudikatura.

Ang Philconsa ay isa sa mga petitioner laban sa DAP, na ilang probisyon nito ay ideneklarang unconstitutional ng Korte Suprema.

Ideneklara rin ng Kataas-taasang Hukuman ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) na unconstitutional kasabay ng panawagan na parusahan ang mga nasa likod ng paglulustay ng PDAF.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Pinapurihan din ni Romualdez at Lazaro si Chief Justice Ma. Lourdes P. A. Sereno at iba pang miyembro ng Korte Suprema sa kanilang matibay na paninindigan sa kabila ng maligalig na reaksyon ng ilang pulitiko laban sa hudikatura. - Rey G. Panaligan