Agosto 24, 79 A.D. sumabog ang Mt. Vesuvius makalipas ang ilang siglo ng pagkakahimbing, inilibing ang mga lungsod ng Pompeii at Herculaneum sa Rome, at ang mamamayan ng katimugang Italy.

Tumagal nang 18 oras ang pagsabog at nalibing ang Pompeii sa 14 hanggang 17 talampakang ng abo at mga bato. Ang Herculaneum naman ay nabaon sa mahigit 60 talampakan ng volcanic material.

Binalot ng makapal na usok ang mga lungsod. Ang tumangging lumikas ay na-suffocate sa mapanganib na hangin, na maya’t mayang sinusundan ng rumaragasang putik at mga bato mula sa bulkan, kaya nalibing na rin sila kasama ng siyudad.

Halos 2,000 namatay sa pagsabog ang kalaunan ay natagpuan sa Pompeii. Tumigas na ang abo na nakabalot sa mga labi kaya nagmistula silang plaster mould na nagpapakita sa kakila-kilabot na detalye ng kanilang kamatayan.
National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso