NEW YORK (AP)— Makakatapat ni Serena Williams ang isang papaangat na American player sa unang round ng U.S. Open.

Ang 32-anyos na si Williams ay mayroon nang 17 titulo sa Grand Slam. Sa edad na 18, si Taylor Townsend ay nasa kanyang ikatlong major tournament.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Si Townsend ay isang dating top-ranked junior player na nakaabot sa third round ng French Open ngayong taon. Siya ay nakapasok sa kanyang unang U.S. Open main draw sa pamamagitan ng wild card.

Sa men’s side, maaring magharap ang Wimbledon champion na si Novak Djokovic at may hawak ng Australian Open title na si Stan Wawrinka sa isang semifinal. Ang second-seeded na si Roger Federer at fourth-seeded na si David Ferrer ay nasa kabilang hati.

Si Williams, target ang kanyang ikatlong sunod na titulo sa Flushing Meadows, ay hindi pa umaabot sa quarterfinals sa unang tatlong Grand Slam event ngayong 2014.

"The way my year's been going, I'm worried about every single match," aniya matapos ang draw ceremony kahapon.

Kung aabot siya sa quarterfinals, maari niyang makalaban ang eighth-seed na si Ana Ivanovic, na tinalo siya sa Australian Open.

Posible namang maghintay sa semifinals ang Wimbledon champion na si Petra Kvitova.

Puwedeng makatapat ni Kvitova si two-time Australian Open champion Victoria Azarenka sa round of 16. Natalo si Azarenka kay Williams sa finals sa Flushing Meadows dalawang taon na ang nakararaan at seeded na ika-16 dahil sa kanyang injury-plagued season.

Maaring makaharap ni Kvitova ang seventh-seed na si Eugenie Bouchard para sa isang rematch ng kanilang Wimbledon finals sa quarterfinals.

Ang second-seeded na si Simona Halep at fourth-seeded Agnieszka Radwanska ay nasa kabilang hati ng draw. Posibleng makalaban ni Hale si five-time major champion Maria Sharapova sa quarterfinals.

Si Sharapova, ang fifth seed, ay mayroong mahirap na first-round matchup kontra sa kapwa Russian na si Maria Kirilienko, na umabot sa pinakamataas na ranking na ika-10 at isang three-time major quarterfinalist.

Posibleng makahrap ni seven-time major champion Venus Williams si Halep sa round of 16, bagamat hindi pa nakalalayo si Williams sa isang major tournament mula 2011. Ang 34-anyos na si Williams, may 19th seeding, ay makakalaban ang 43-anyos na si Kimiko Date-Krumm sa unang round.

Maaring makatapat ni Serena Williams si 2010 French Open champion Francesca Schiavone sa second round. Sa edad na 34, si Schiavone ay bumaba sa ika-76 sa rankings at natalo kay Williams sa unang round noong nakaraang taon, 6-0, 6-1.

Sa mga kalalakihan, posibleng magharap sina Djokovic at Andy Murray sa quarterfinals. Tinalo ni Murray si Djokovic para sa kanyang dalawang major titles ngunit patuloy na nangangapa ngayong taon matapos maoperahan sa likod at seeded eighth.

Sa round of 16, maaaring makalaban ni Murray ang ninth-seed na si Jo-Wilfried Tsonga, na tinalo sina Djokovic, Murray, Grigor Dimitrov at Federer upang mapanalunan ang titulo sa hard-court tournament sa Toronto nitong buwan.

Posible namang hamunin ni Wawrinka si Wimbledon semifinalist Milos Raonic sa quarterfinals. Ang seventh-seeded na si Dimitrov ay maaring makaharap si Federer sa quarters.