Hindi pa tapos ang laban ng San Mig Coffee, maging ang laban ni coach Tim Cone sa pagwawagi ng pinakahuling grandslam championship sa PBA.

Ito ang isa sa mga mensaheng inihayag ng PBA Press Corps Coach of the Year na si Cone matapos tanggapin ang kanyang ikatlong “Baby Dalupan trophy” noong nakaraang Huwebes ng gabi sa ginanap na taunang awards night sa Richmonde Hotel sa Eastwood sa Quezon City.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

“It didn’t stop here,” ani Cone. “I will tell it to my players and I’m telling it you Mark (Barroca) right now,” dagdag nito na tinutukoy ang kanyang manlalarong si Barroca na tumanggap naman ng parangal ng Order of Merit.

Ayon kay Cone, hindi dapat natatapos ang hamon para sa kanya lalo na sa kanyang mga player na naniniwala siyang malaki pa ang kapasidad na makapagtala ng panibagong grandslam.

Hindi man tuwirang tinanggap ay ikinatuwa naman ni Cone ang pabirong hamon na galing sa isa sa mga legend ng PBA at kabilang sa unang team na nagtala ng grandslam championship sa liga na si Atoy Co ng Crispa Redmanizers.

Sa kanyang pagbabalik-tanaw sa naging simula ng tagumpay ng Crispa noon, sinabi ni Co na mayroon pang isang “peat” ang Redmanizers na hindi pa napapantayan at naniniwala siyang kayang duplikahin ni Cone at ng Mixers, at ito ay ang manalo ng anim na sunod na kampeonato.

Samantala, hindi naman itinago ni San Miguel Corporation president, na siya namang naging recipient ng Danny Floro Executive of the Year award, Ramon S. Ang ang kanyang paghanga at respeto kay Cone dahil sa ibinigay nitong malaking karangalan sa SMC.