Coco-copy

NAG-USAP pala sina Coco Martin at ang boyfriend ni KC Concepcion na si Paulo Avelino na iingatan niya at aalagaan ang leading lady niya sa Ikaw Lamang para sa leading man ni Bea Alonzo sa Sana Bukas Pa Ang Kahapon.

Kuwento ng source sa amin, nag-usap sina Coco at Paulo nang lalaki sa lalaki tungkol kay KC para walang selosang mangyari dahil nga magkakaroon ng intimate scenes ang mga bida ng Ikaw Lamang.

Sinabi siguro ni Coco na pagtiwalaan siya ni Paulo at huwag bigyan ng malisya ang sweetness na makikita at maririnig niya tungkol sa kanila ni KC.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

“All I know, sabi ni Coco ay aalagaan niya si KC for Paulo,” sabi ng source.

Ayaw na raw kasi ni Coco na maulit ang nangyari noon sa kanila ni Matteo Guidicelli na nagkapisikalan tuloy sila dahil kay Maja Salvador.

“Artista si Paulo at I’m sure naintindihan niya ‘yun,” dagdag pa ng aming source.

Sa madaling salita, hindi na tsismis lang na magkarelasyon sina Paulo at KC kundi totohanan na.

Anyway, sa napapanood na sa bagong kuwento ng Ikaw Lamang si KC bilang si Natalia, ang magiging ka-love triangle nina Gabriel (Coco) at Andrea (Kim Chiu).

Kinausap din kaya ni Coco si Xian Lim na huwag siyang pagselosan dahil kay Kim na balitang ‘sila’ na rin?

Ano sa tingin mo, Bossing DMB?

(Itatanong ko sa mga bulaklak, Reggee. --DMB)