TRINIDAD, Benguet – Tiniyak ng Benguet Electric Cooperative (BENECO) na maisasakatuparan ang 100 porsiyentong sitio electrification sa Benguet.

Ayon kay BENECO Engineering Department Manager Melchor Licoben, malapit na ang kooperatiba sa target nito nang umabot na sa 85 porsiyento ang napailawan sa probinsiya, sa ilalim ng Sitio Electrification Program (SEP) at 189 na sitio na ang nabigyan ng kuryente, sa kapakinabangan ng 1,864 na consumer.

Sa pamamagitan din ng National Electrification Administration ay nakapagpailaw din ang BENECO sa apat na sitio, na pinakikinabangan na ng 590 bahay. - Wilfredo Berganio
National

Rep. Paolo Duterte, ‘negatibo’ sa hair follicle drug test