Binatikos ni Vice President Jejomar Binay ang mga tagapayo ni Pangulong Aquino na nag-uudyok dito na banggain ang Korte Suprema dahil, aniya, ito ay posibleng magresulta sa krisis hindi lamang sa Konstitusyon ngunit maging sa sitwasyong pulitika ng bansa.

Ito ang naging sentimiyento ni Binay matapos ihayag ni Aquino na plano nitong bawasan ang kapangyarhan ng Kataastaasang Hukuman, na ayon sa Pangulo, ay nakasisira sa pagkakapantay-pantay ng tatlong sangay ng gobyerno.

“Inilalagay nila (advisers) sa peligro ang tsansa ng Pangulo na makapag-iwan ng isang positive legacy sa mga mamamayan. Kung ito ay kanilang itutuloy, binabalewala nila ang interes ng publiko,” ayon kay Binay.

“Nang ideklara ng Korte Suprema na unconstitutional ang Disbursement Acceleration Proram (DAP), ginagawa lamang nito ang tungkulin at kapangyarihan nito tulad ng nakasaad sa 1987 Constitution na inaprubahan noong panahon ni Pangulong Cory Aquino,” ayon kay Binay.

National

4 na senador, binawi ang pirma sa Adolescent Pregnancy Bill

Kasabay nito, muling inihayag ni Binay ang kanyang oposisyon sa charter change o cha-cha bagamat ito ay kabilang sa mga pulitikong maagang nagdeklara ng intensiyon na tumakbo sa pagkapangulo sa May 2016 elections. - JC Bello Ruiz