Sarah-Matteo

INAMIN ni Matteo Guidicelli, sa one-on-one interview namin sa kanya pagkatapos ng Q and A ng Somebody To Love noong Huwebes ng tanghali sa Imperial Palace, na hindi na si Jojie Dingcong ang manager niya.

“I’m with Star Magic, siyempre before I’m with Kuya Jojie and ABS-CBN Star Magic now.  Kuya Jojie naman is always with me since I was a little kid, so Kuya Jojie will always be there, he’s my consultant na, everything’s okay,” pag-amin ng aktor.

May conflict ba ang manager niya at ang ABS-CBN kaya siya binitiwan?

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Ay, wala po, pinag-usapan na po namin lahat with the family and Kuya Jojie and everybody.  But nobody’s hurt, and nothing; it’s just a move, just to keep moving forward.

“Jojie understands everything, I love Kuya Jojie and he’s been there before when I was 14 years old. You know, I’m brought up to be a loyal person, I don’t like forgetting people, so Kuya Jojie is always there being my life and always been in my career,” magandang sabi ng aktor.

Samantala, may post si Luis Manzano sa kanyang Instagram na asong kinakamot ang private part at nag-comment si Billy Crawford na dapat daw ay ganito rin ang gawin ni Matteo kasi sampung buwan na siyang walang ‘ano’ (sex life).

Tinanong si Matt tungkol dito dahil binash nang todo-todo ng AshMatt si Billy dahil bastos daw sa ginawa nitong pagbibiro.

“Billy’s cool. We’re all friends and I don’t think he means any negativity. Parang morons talaga kaming lahat, eh. Kalokohan palagi ‘yan. I don’t even know what he wrote, eh. I’ll check later,” sabi ni Matteo.

Ano kung ganoon ‘yung binabanggit ni Billy na ‘walang ano’?

“Ewan ko sa kanya. Kagaguhan lang ni Billy! Di ba? Ha-ha-ha! Alam naman natin, he’s a funny guy. Wala, wala, balewala ‘yon,” tumatawang sagot ni Matteo.

Sampung buwan na raw walang sex life si Matteo? Dahil sampung buwan na rin ang relasyon nila ni Sarah Geronimo?

“Ah, secret. You know, people can think what they want, but it’s nothing personal. It’s something to laugh about. It’s a joke. It’s nothing to be serious about. Ewan ko kay Billy. Mamaya, tatanungin ko siya. Tatawagan ko siya. Hindi ko alam, eh!” tumatawang paliwanag ng aktor.

Natanong din si Matteo sa Q and A ng Somebody To Love presscon kung wala na siyang problema sa relasyon nila ni Sarah.

“Siyempre, love is not easy. There’s always an obstacle, there’s always challenges. Patuloy ‘yan palagi. Ipaglaban lang natin lahat palagi,” sagot ng aktor.

Ayaw ni Matt na masyadong pinag-usapan ang relasyon nila ni Sarah dahil ayaw niyang masabihang ginagamit niya ang singer/actress.

“Sana po hindi kayo ma-offend o take negativity, hindi ko kasi talaga gusto na palabasing ginagamit ko si Sarah sa promotion ng pelikula ko, ayaw ko talaga. I don’t really want to talk about her in The Buzz but it’s my first time to be asked in TV, so I answered.  As much as possible, I don’t wanna speak about her or answer situation like this because I want to promote my films,” diin ng aktor.

Kinumpirma rin ni Matt na ayaw nilang magsama ni Sarah sa isang proyekto at desisyon nilang dalawa ito.

“Bago pa lang ang relationship so we want the relationship stronger and make it grow, I don’t wanna lose this relationship so I want to be very careful dahil alam naman po natin sa showbiz na mahirap to keep the relationship stable, ‘di ba?  Maraming intriga, maraming issues, so para iwasan na lang muna.”

May kissing scene si Matt sa Somebody To Love, okay lang din ba sa kanya kung magkaroon ng ganu’n sa pelikula ni Sarah?

“Sabi  ko nga, masaya ako kapag makita ko silang mag-kissing scene ni John Lloyd (Cruz), di ba? I’m a fan of their films,” napangiting sabi ng aktor.

Kung hindi si John Lloyd ang leading man kundi isa sa ex-boyfriend ni Sarah na sina Gerald Anderson at Rayver Cruz?

Saglit na natigilan si Matt at sabay sabing, “Sino bang ex niya?  Wala, wala namang problema, pelikula ‘yan, ‘di ba? Trabaho lang ‘yan, ‘di ba, this is an art form we love, so I respect what she wants to do and what she will do and she loves doing, ‘di ba so I’m not stopping her for what she loves doing.”

Kaya ang sumunod na tanong namin ay kung selosong boyfriend ba si Matteo.

“Ha-ha, minsan-minsan po,” masayang sabi ng aktor.

Selosang girlfriend ba si Sarah?

“Minsan din po, ha-ha-ha!” tumawang sagot ulit ng guwapong aktor.

‘Pag sinabing minsan, may pinagselosan na, sino?

“Nakalimutan ko na po, sa totoo lang po, I get jealous at normal naman sa isang relationship lalo na kapag maganda ang girlfriend mo, I’m confident naman po with Sarah, trusted naman,” ‘tila kinikilig na sabi ng aktor.

Paano ba magselos ang Matteo Guidicelli?

“Tampu-tampo tayo nang konti, parang bata,” natatawang kuwento ng binata.

Kaya ba ni Matt manakit ng girlfriend kapag nagseselos siya?

“Ay, no! Never! A woman is like a diamond, if you’re a true gentleman, you really speak to the person properly,” mabilis na sagot ng aktor. “Woman is like a diamond, it’s priceless so you take care of them very well.”