DAVAO CITY – Nasawi ang isang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH)-Region 11 at malubhang nasugatan ang dalawang iba pa makaraang sumalpok sa isang puno ng niyog ang sinasakyan nilang pick-up truck sa Barangay Buso, Mati City, Davao Oriental, noong Huwebes ng hapon.

Ayon sa report ng pulisya, ang nasawi ay si Jose Dennis Flores, chief information officer ng DPWH-11 at residente ng GSIS Heights, Matina, Davao City; habang sugatan naman sina Elmer Simbanagan Jr.; at Ysser Pelotos Duaran, kapwa kawani rin ng DPWH.

Ayon sa report, pabalik na ang mga biktima sa Davao City mula sa pag-iinspeksiyon ng isang proyekto sa Bgy. Tagbinuwa, Mati City nang mangyari ang aksidente.

Ayon kay Supt. Benito Recopuerto, hepe ng Mati City Police, inamin ng nagmaneho sa Navarra pick-up (LGE-161) na si Mark Anthony Hidalgo na nakatulog siya habang nagmamaneho kaya nawalan siya ng kontrol sa manibela hanggang sa bumangga sila sa isang puno ng niyog.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Nakapiit na si Hidalgo sa himpilan ng Mati City Police habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. - Alexander D. Lopez